Juday buntis na

Buntis na sa wakas. Ito ang masayang inanunsyo ni Ryan Agoncillo sa asawa niyang si Judy Ann Santos.

Dalawang buwan at apat na araw nang nagdadalng-tao si Juday, may pagmamalaking ibinalita ni Ryan sa noontime show na Eat Bulaga sa GMA 7 ngayong Biyernes.

Ipinakita pa ni Ryan ang ultrasound image ng kanilang unang biological baby. Hindi pa malinaw kung babae o lalaki ang kanilang bagong baby. May ampong bata si Juday bago pa man magpakasal ang dalawa.

“Akala ko baog ako,” pabirong sabi pa ni Ryan na maliban sa Eat Bulaga ay host din ng top-rating show na Talentadong Pinoy sa TV5.

Sa phone-patch interview, sinamahan naman ng aktres na si Juday ang kanyang asawa sa pagkukwento sa publiko ng kanyang pagbubuntis.

“E ‘yon na nga. Na-bulls eye,” anang premyadong aktres, na parang hindi pa makapaniwala na siya ay nagdadalang-tao.

“Akala ko robot ako,” ang pabirong sabi pa ni Juday.

Matapos ang may isang taong engagement, ikinasal si Ryan at Juday noong nakaraang Abril 28 sa isang pribadong seremonya.

Unang nagtambal ang dalawa sa teleserye na “Krystala” kung saan nagsimula ang kanilang matamis na relasyon. Nagsama rin sila sa dalawang pelikula, “Kasal, Kasali, Kasalo” at “Sakal, Sakali, Saklolo” na parehong tumabo sa takilya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s