Jason niloloko nga lamang kaya si Melai?

Sa kabila ng kilig na naramdaman ng kanilang fans, hindi pa rin maiwasang maitanong: Totoo baga talaga ‘yan Jason? O baka naman pinapaasa mo lamang si Melai?

Walang gatol ang sagot dito ni Jason Franciso sa maintrigang tanong tungkol sa relasyon n’ya sa Big Winner ng Pinoy Big Brother Double Up na si Melisa Cantiveros.

“Sa totoo andami ko po talagang mga kalokohan. D’yan po ako unang-una pero matagal ko itong sinasabi sa mga taong nililigawan ko na seryoso ako pagdating po talaga sa pag-ibig,” ayon pa sa “Boy Astig ng Mindoro” na itinanghal na 2nd runner-up sa katatapos lamang na reality show sa ABS-CBN.

“D’yan po ako hindi magloko dahil ako may kapatid po akong babae, ayokong maranasan ng kapatid kong babae ang magkagayon kung lolokohin ko ang isang babae,” ayon pa sa 22-anyos na binata na tubong Calapan City.

Pero di naman itinatanggi ni Jason na may mga babae na ring di niya ganon sineryoso.

“Alam ko hindi rin sila seryoso sa akin na parang laro-laro lang,” paglilinaw ni Jason. “Pero si Isay alam ko na masasaktan ko ang taong ‘yan, ba’t ko naman gagawin?”

“Pwede ko naman sabihin sa kanya na hanggang crush lang sa kanya, pero nasabi ko na lahat-lahat sa kanya. ‘Di ba napakahirap naman na sabihin mo sa isang tao sa kanya na mahal mo siya tapos mamaya iiwanan mo? Ano na lang sasabihin ng mga tao, ‘di ba kawawa naman ‘yon?” ayon pa sa binata.

Inamin ni Jason na nakita n’ya kay Melai ang mga katangiang hinahanap n’ya sa isang babae.

“Parang ‘yung sinasabi ko palagi ‘yung ugali po niyang probinsiya, ‘yung maasikaso, ‘yung malambing sa paraan niya,” ayon kay Jason.

Maari nga raw na ‘di isang tipikal na “dalagang Pilipina” si Mela pero taglay niya ang magagandang katangian ng isang mabuting tao.

“’Yung ugali niya ‘yun ang importante, ‘yung kilos niya pwede pa namang mabago, ‘yung ugali ang pinakaimportante sa tao,” paglilinaw ng binata.

Higit sa lahat, sinabi pa ni Jason na higit na napamahal sa kanya ang Inday Kenkay ng General Santos City dahil sa naintindihan din niya ang kumplikadong personalidad ng binata.

Ngayong tapos na ang PBB, nakahanda na ba kayang pasukin ni Jason ang buhay showbiz?

“Sa totoo lang hindi ko po nakikita ang sarili ko (na nagso-showbiz) pero sa ngayon po masaya ako. Siguro ‘yong mga tao nagagawa ko ‘yong mga pinapagawa nila sa akin, eh bakit hindi po?” ayon pa kay Jason.

“Pero kung ako po nagiging sakit ng ulo, eh ‘di, aalis na lang po ako na may pasasalamat dahil binigyan nila ako ng pagkakataon. Pero ‘pag ‘di ko nagawa mayroon pa naman akong pamilya. ‘Yon ang mahalaga doon, kahit anong gawin mo may babalikan ka pa.”

One thought on “Jason niloloko nga lamang kaya si Melai?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s