Ejay Falcon, nakabuntis raw ng kababayang Mindoreña?

Photo softlinked from Ejay Falcon's Facebook account

Nakabuntis nga ba si Ejay Falcon ng isang non-celebrity girl sa Mindoro? At ang chika, nagbabanta pa diumano ang dalaga na idedemanda nito ang mestisong actor.

Mariin itong tinanggihan ni Ejay.

“Hindi ko po talaga gagawin yon,” ayon sa 20-anyos na binata sa panayam ng SNN:Showbiz News Ngayon.

“Hindi naman ako gaya ni Gabby na kung may nabuntis ay iiwan niya,” wika pa ng Kapamilya star na taga-Pola, Oriental Mindoro. Tinutukoy ni Ejay ay ang character na ginampanan niya sa nagwakas nang teleserye na “Katorse” sa ABS-CBN.

Photo softlinked from Ejay Falcon's Facebook account

“Si Ejay po ako at pananagutan ko ‘yon,” ayon pa sa 11 ft na Pinoy-French actor-model. “Pero ngayon, wala pa talaga at wala pa sa isip ko ‘yon.”

Maalalang sumikat si Ejay sa larangan ng showbiz nang tanghalin siyang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus’ grand winner noong 2008.

Ang serye na “Katorse” kung saan nakatambal niya si Erich Gonzales noong nakaraang taon ang unang big break niya sa telebisyon.

Sa ngayon abala si Ejay para sa “Tanging Yaman,” isang political drama kung saan muli niyang nakasama si Erich Gonzales. Tampok din sa teleserye na alay ng ABS-CBN para sa 60 Years of Pinoy Soap Opera sina Enchong Dee, Melissa Ricks, at Matt Evans.

Isa pang teleserye na pinagkakaabalahan ni Ejay ay ang “Habang May Buhay.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s