MANILA—Hindi nagustuhan ni Jason ang pagiging sobrang pakialamera ni Melai at ito ay nagresulta ng kanilang away.
Matapos matanggal si Kath at sa pag-alis ng Darlings ni Kuya, anim na kasambahay na lamang ang natitira sa pagpapatuloy ng Pinoy Big Brother Double Up. Sa kanila, si Melisa lang ang siguradong may pwesto na sa Big 5 matapos manalo ng dalaga ng General Santos City sa Big Jump to the Big Night challenge.
Samantala, bago tuluyang umiskyerda ng mga Darlings ni Kuya, pinagkatuwaan nilang itago ang wallet ni Jason. At si Melisa ang nakakita nito. Pero teka, naintriga yata ang Melai. Binulatlat niya ito. Di pa nagkasya, ipinakita pa ni Mela ang laman ng wallet kay Kath.
Napikon ang “Astig ng Mindoro” sa dalagang nauugnay sa kanya. At di nagging maganda ang palitan ng salita ng dalawa. Kinailangan pang mamagitan na ni Kuya para maiayos ang gusot.
Pinaalalahanan ni Kuya si Jason na dapat sa maayos na paraan nilulutas ang problema. Si Melisa ay pinayuhan naman na dapat niyang irespeto ang personal na pag-aari ng iba. Winarningan din ang dalaga na huwag maging sobra sa pagtesting sa pasensya ng iba.
Sa kabila ng mahabang sermon, di pa rin naayos ang gusot. Nagbatuhan ng maaanghang na salita ang dalawa. Ayaw mag-sorry si Melisa. At si Jason naman ay di maintindihan kung bakit ganon ang naging aktwasyon ni Melai.
Pero syempre, sa ending naayos din ang problema ng dalawa.
Lovers’ quarrel ba?
Sinasabing malaking bahagi ng pananaliti ni Melisa sa PBB ay dahil na rin sa namumuong relasyon niya kay Jason. Ang binata ng Nacoco, Calapan ang kanyang coach sa mga gawain na siyang naggarantiya sa kanya na mapabilang sa finals.
Ngayong dalawang linggo na lamang ang natitira, tanging si Melisa lamang ang sigurado sa mga kasambahay. Ang natitirang lima ay nominado lahat sa pagkatanggal. Pero ang hindi nila alam, isa lamang ang magpapaalam matapos magbukas ang isa pang slot sa fifth big placer.
Sino nga kaya ang tatanghaling Big Winner. Abangan…