40 batang may bingot benepisyaryo ng libreng opera

CALAPAN CITY—Umaabot sa 40 batang may bingot ang naging benepisyaryo ng libreng operasyon sa bayan ng Pinamalayan.

Magkatuwang na itinaguyod ang proyekto ng Ruel Foundation, Operation Smile at ng pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Isinagawa ang pag-opera sa mga batang may bingot ng isang medical team na binubuo ng 17 surgeons, anesthesiologist, at nurses mula sa dalawang non-government organization. Ang pamahalaang panlalawigan ang naghanda ng mga pasilidad para sa operasyon na dinaluhan din ng ilang doctor at nurses ng kapitolyo.

Ang matagumpay na proyekto, ayon kay Gobernador Arnan Panaligan, ay nagbigay ng bagong pag-asa hindi lamang ang mga batang may diprensya sa labi kundi pati na rin sa kanilang mga magulang.

Isinagawa ang libreng operasyon kamakailan sa Pinamalayan Community Hospital.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s