Jason, apat na iba pa nanganganib na ‘di maabot ang Big Four dream

MANILA—Nanganganib na magpaalam si Jason Veron Francisco sa bahay ni Kuya matapos na muli niyang piliin ang automatic nomination nang matalo ang “Astig ng Mindoro” sa Head of House challenge.

Si Steve Jumalon o Tibo ang itinanghal na Head of House ngayong linggo. Kasama niya si Marielle Sorino na “safe and sound.”

Gaya ni Jason, maaaring umuwi ring bigo sina Melisa Cantiveros (Melai), Kathleen Lopena-Ortega (Kath), Johan Morielle Santos (Johan) and Paul Jake Castillo (Paul Jake).

May pagka-bossy raw si Jason at ito ay matagal nang nabibigyang-kahulugan na pagkahambog ng batang Nacoco, Calapan. Si Johan naman ay sobrang sensitibo at parang ‘di pa rin makagamayan ang mga kasambahay kahit pa nga may ilang buwan na silang magkakasama.

Sina Melai at Kath sa simula ay mukhang immune sa nominasyon, pero ngayon ay parati na silang nasa listahan. Threatened ang iba sa popularidad ni Melai, o pwede ring naririndi na rin sila sa parating malakas na boses ng pambato ng General Santos City na nauugnay kay Jason.

Di makabasag-pinggan ang reputasyon ni Kath at ito ay nagbigay din ng impresyon na ang 24-anyos na laking España ay walang sariling desisyon. ‘Di rin siya madaling makapalagayang-loob ng mga kasambahay.

Tatlong linggo na lamang ang natitira at Big Night na.

Bukas na ang nominasyon para sa inyong paboritong kasambahay. Text BBS para mailigtas ang paborito ninyong housemate, o text BBE para iboto ang kasambahay na sa tingin ninyo ay di karapat-dapat mapabilang sa Big Four.

I-text ang inyong boto sa 2331 para sa Globe, TM, Sun at Bayan Wireless Landline, o kaya naman ay 231 para sa Smart and Talk n Text.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s