MANILA—Isang pamasadang tricycle ang produkto ng apat na araw na pagpapaalila ni Jason Veron Francisco sa kanyang mga kasambahay sa pagpapatuloy ng Pinoy Big Brother: Double Up.
Sinski tricycle ang premyo ni Kuya sa tinaguriang “Boy Astig ng Mindoro.”
Pero hindi biro ang pinagdaanan ni Jason ng Nacoco, Calapan City. Kailangan niyang sundin lahat ng utos ng mga señorito at señoritang kasambahay at indahin ang kanilang “pagmamaltrato.”
Hindi ito naging madali para sa 21-anyos na si Jason. Sa simula’y dinamdam niya ang mala-aliping pagtrato ng mga kasambahay. Pero matapos ang seryosong pag-uusap nila ni Kuya, nagpakita ng pagbabago si Jason at sinimulang harapin ang hamon.
Sa huli, tinipon ni Kuya ang mga kasambahay at hiningi ang kanilang husga: lahat ay naniniwalang ibinigay ni Jason ang kanyang makakaya para mapagtagumpayan ang pagsubok.
Naging madamdamin naman ang tagpo nang simulan ni Jason na ibulalas ang kanyang tampo sa mga kasambahay. Inamin niya na sa loob lamang ng bahay ni Kuya siya nakaramdam ng totoong sarap ng buhay. At ang panahon ng paninilbihan ay nagpabalik sa gunita ng iniwang kahirapan sa Mindoro.
Hindi maitago ng mga kasambahay ang pangingilid ng luha. Humingi rin ng paumanhin si Jason sa mga ‘di niya magandang iginawi.
Tamang pangaral naman si Tibo o Steve Jumalon. Pinaalalahanan niya si Jason na mangarap lamang ng magagandang pangarap at huwag nang gustuhin pang balikan ang ‘di magandang nakaraan sa kanyang lalawigan. Babala pa ni Tibo: “Nasa huli ang pagsisisi.”
Sa huli, sakay ng napanalunang kulay dilaw na tricycle ang ilang kasambahay habang masayang nagmamaneho si Jason.
Huwang hayaang matanggal si Jason. Iboto ang “Boy Astig ng Mindoro.”
Tunay na kahanga hanga ang iyong pagsasalaysay sa mga huling tagpo sa Bahay ni Kuya patungkol sa ating kababayang si Jason. Dahil sa nahiratihan mo na ang pag eenglish dala na rin ng iyong kasalukuyang trabaho, akala ko mandi’y nakalimutan mo na ang ating katutubong wika.
Harinawa’y maingganyo ang ating mga kababayan na suportahan ang naaambang pagpapaalis kay Jason sa Bahay ni Kuya sa dahilang siya ay nagkusang loob na maging nominado sa halip na magnomina ng iba nyang kasambahay para matanggal. Karapat dapat na bigyang pugay at hangaan ang pagiging mababang loob ni Jason at harinawa’y maging isang ehemplo sa mga kabataan ang kanyang ginawang pagsasakripisyong ito.
Mabuhay ang mga Mindoreno! Mabuhay ang mga Calapeno! Mabuhay ang mga taga Patas! ahehehe.
LikeLike